-- Advertisements --
Pinagbabawal na sa lungsod ng Pasig ang mga walk-in appointment para sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Pasig Citiy Mayor Vico Sotto, na kanilang tatanggihan ang mga magtutungo sa mga vaccination site ng walang mga scheduled appointments.
Pinabulaanan nito ang kumakalat na balita na tumatanggap sila ng mga walk-in appointment para magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Magugunitang ipinahayag ng alkalde na handa silang gumastos ng P300 milyon para maturukan ng COVID-19 vaccine ang nasa 700,000 na residente ng Pasig.