-- Advertisements --
Malaki na ang tsansa na makuha ng Boston Celtics si Kemba Walker.
Ito ay matapos na tumanggi ang Charlotte Hornets na palawigin pa ang kontrata ng All-Star guard.
Posibleng pumirma sa susunod na linggo ng aabot sa $141-Million 4-year contract ang 29-anyos na si Walker.
Inaasahan kasi na papalitan ni Walker si Kyrie Irving na mas piniling maging free agent.
May average na 25.6 points at 5.9 assists si Walker.
Sakaling matuloy ito sa Celtics ay magkakaroon na ng malakas na puwersa ang koponan na pinamumunuan nina Gordon Hayward, Jaylen Brown at Jayson Tatum.