-- Advertisements --

Isang kakaibang klase ng higanteng puno na may mga ugat na mukhang mga paa ang kinilala sa New Zealand bilang 2024 Tree of the Year.

Tinawag itong “Walking Tree” dahil parang ito’y naglalakad.

Ang kakaibang puno na ito ay isang northern rata, na may scientific name na metrosideros robusta.

Kasama rin ito sa pinakamataas na klase ng punong namumulaklak sa New Zealand at kayang mabuhay ng hanggang 1,000 taon.

May taas ang nabanggit na puno na 105 feet, katumbas ng isang pitong palapag na gusali.