Nananatiling prayoridad ang walkways at bicycle lanes sa aktibong transport infrastructure sa ilalim ng Marcos administration ayon sa Department of Transportation.
Sa inilabas na statement ng ahensiya, sinabi nito na isinusulong ang non-motorized transport gaya ng pagbibisikleta at paglalakad gayundin ang paggamit ng light electric vehicle alinsunod sa National Transport Policy at Philippine Development Plan 2023-2028.
Ginawa ng DOTr ang pahayag sa gita ng plano ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na pagtanggal sa mga bicycle lane sa EDSA at ikinokonsidrang magkaroon ng exclusive motorcycle lane dahil sa kakaunti ang mga gumagamit ng siklista.
Matatandaan kasi na noong kasagsagan ng lockdown dahil covid-19 pandemic naging uso ang paggamit ng bisikleta bilang alternative mode ng transportasyon kaya’t naglagay ng mga bicycle lanes.
Samantala, sinabi din ng DOTr na kasabay ng layunin nitong masolusyunan ang problema sa trapiko, magtatalaga at babawiin ang espasyo ng kalsada para mabigyan ng ligtas na imprastruktura para sa mas episyente at tuluy-tuloy na modes of transport gaya ng bike lanes at walkways.