ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ang siyam na missing crew ng isang cargo ship na lumubog sa kadagatan ng Japan.
Maliban sa mga missing, walo na ang kumpirmado na namatay.
Ayon kay Bombo Josel Palma direkta sa Japan, anim sa walong namatay ay Chinese nationals at ang natirang dalawa ay mga Myanmar nationals.
Noong Martes, nagpadala ng distress signal ang Hong Kong-flagged vessel na Jin Tian habang nasa 110 kilometers west ng Danjo Islands sa East China Sea kung saan lulan nito ang 22 katao.
Ang 14 na Chinese at walong Myanmar nationals ang pinaniniwalaang naka-alis na sa Jin Tian gamit ang lifeboats.
Ayon pa kay Palma, ang hindi magandang sitwasyon ng tubig ang naging balakid sa rescue efforts.
Noong Myerkules, sinabi ng coast guard na 13 na crew members ang na-rescue.
Ngunit, walo dito ang patay na matapos dinala sa isang ospital sa Nagasaki.
Ang barkong Jin Tian ang papuntang South Korea nang malunod.
Umalis ito sa Port Klang sa Malaysia noong December 2022 ayon sa tracking site na Marine Traffic.