-- Advertisements --
Aabot sa dalawa hanggang walong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.
Ayon sa state weather bureau, posible itong pumasok sa PAR sa pagitan ng buwan ng Enero at Hunyo .
Maaari aniyang may mabuong tig iisang bagyo para sa buwan ng Enero, Pebrero, Marso at Abril habang tig dalawang bagyo naman sa buwan ng Mayo ay Hunyo.
Dahil dito ay pinaghahanda na ng ahensya ng publiko sa posibleng maging epekto nito.
Aasahan na kasi ang malalakas na pag-ulang dadalhin nito sa ilang bahagi ng bansa sa oras na mabuo ang naturang mga sama ng panahon at pumasok sa PAR.