-- Advertisements --

Pinauwi na nitong Biyernes ang walong Filipino crew members ng sea vessel na Kmax Ruler, na tinamaan ng Russian missile noong nakaraang buwan, ayon sa Department of Migrant Workers

Binati ng DMW ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport.

Magugunitang dumating ang unang batch ng mga repatriate noong Nobyembre 25, na sinundan ng grupo ng 14 na OFW noong Disyembre 2.

Base sa Reuters report, ang Russian missile ay tumama sa Liberia-flagged vessel habang papasok sa Black Sea port sa Odesa region noong Nobyembre 8. Ito ay dapat na maghahatid ng iron ore sa China, ayon kay Ukraine Infrastructure Minister Oleksandr Kubrakov.

Isang indibwal ang nasawi, at apat na Pilipinong marino naman ang nagtamo ng mga sugat.

Agad namang naiulat na ligtas ang apat na sugatang OFW kasunod ng pag-atake.