Kinumpirma ng Department of Health na aabot sa walong lugar ang inaasahan nilang isasailalim sa deklarasyon ng dengue outbreak.
Ito ay bunsod na rin na pagtaas ng kaso nito sa mga nakalipas na linggo.
Ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo , karamihan sa mga lugar na ito ay mula sa Metro Manila, Central Luzon at maging sa bahagi ng Calabarzon.
Aniya, sa loob ng naturang talong rehiyon ay mayroong siyam na lokal na pamahalaan na may pagtaas ng kaso ng Dengue kung saan kabilang na dito ang lungsod ng Quezon.
Una nang nagdeklara ng dengue outbreak ang QC dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng Dengue sa lungsod kung saan umabot na sa walong indibidwal ang naitalang nasawi dahil sa virus ngayong taon lamang.
Kabilang sa mga nasawi ay walong menor de edad.
Batay sa datos ng QC City Epidemiology and Surveillance Division, pumalo na sa kabuuang 1,769 na kaso ng Dengue ang naitala sa lungsod mula Enero 1 hanggang Pebrero 14, 2025.
Mas mataas ito ng 200% kumpara noong nakalipas na taon.