Aabot sa walong lugar sa Visayas at Mindanao ang nagpositibo sa toxic na red tide ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ito ang naging resulta sa naging pagsusuri na isinagawa ng naturang ahensya.
Kabilang sa mga lugar na nag positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ay ang mga sumusunod;
– Sapian Bay (Ivisan and Sapian in Capiz; Mambuquiao and Camanci, Batan in Aklan);
– coastal waters ng Roxas City in Capiz;
– coastal waters ng Pontevedra in Capiz;
– coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo;
– coastal waters of Dauis and Tagbilaran City sa Bohol;
– Dumanquillas Bay ng Zamboanga del Sur;
– Lianga Bay sa Surigao del Sur; at
– coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na mahuhuli sa mga nabanggit na lugar.
Nilinaw rin ng ahensya na ang mga isda, pusit, at alimango ay ligtas kainin ng tao basta ito ay sariwa, nilinis at niluto ng mabuti.