-- Advertisements --
Nagkasundo na umano “in principle” sina Luke Walton at ang Sacramento Kings para maging bagong head coach ng koponan.
Batay sa ulat, asahan umano ang pormal na anunsyo ngayong weekend lalo pa’t nagpupulong ngayon sina Walton at Kings general manager Vlade Divac.
Nitong Sabado nang tinanggal na si Walton bilang coach ng Los Angeles Lakers matapos magtala ng malamyang 98-148 win-loss card sa kanyang pangangasiwa.
Ito’y kahit mayroon pang dalawang taong natitira si Walton sa kanyang limang taong kontrata sa Lakers.
Noong Biyernes naman nang sibakin ni Divac si Kings coach Dave Joerger.
Nagtapos na may 39-43 baraha ang Sacramento nitong regular season, na “best record” para sa franchise buhat noong 2005-06 season.