-- Advertisements --

Tuluyan nang umalis si Luke Walton bilang head coach ng Los Angeles Lakers.

Ito ay matapos ang hindi pagpasok nila ng anim na taon sa NBA playoffs at ang 37-45 win loss record nila ngayong season.

Pinasalamatan ni Lakers general manager Rob Pelinka si Luke sa pagsilbi niya sa koponan ng tatlong taon.

Nagsilbi ng dalawang season si Walton at naging susi sa pagkuha ng koponan kay LeBron James.

Labis naman ang pasasalamat ni Walton kay team owner Jeanie Buss.

Usap-usapan na papalit kay Walton ay si dating Cleveland Cavaliers coach Tyronn Lue.

Kasama si Lue sa pagkuha ng dalawang kampeonato ng Lakers at naging coach ito ng Cavs ng magkampeon sila noong 2016.

Nauna rito nagbitiw noong nakaraang araw si Magic Johnson bilang Lakers President.