-- Advertisements --
Asahan umano ang mas makulay na Lyrids meteor shower ngayong buwan, dahil natapat ito sa katatapos na full moon.
Ayon sa Pagasa Astronomical Services Administration, ang waning gibbous ng buwan o ang unti-unting pagbawas ng liwanag mula sa kabilugan ay makakatulong para mas kuminang ang mga bulalakaw na dala ng Lyrids.
Batay sa record ng kasaysayan, 2,600 taon nang naoobserbahan ang nasabing meteor shower.
Noong 687 B.C. umano ay nagmistulang ulan ang dami ng meteors na nakita sa kalawakan ng Chinese observers.
Ngayong taon, ang peak ng Lyrids ay sa Abril 22 hanggang Abril 23, 2019.