-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Immigration ang pagkaka aresto ng kanilang mga tauhan sa isang South Korean businessman na pinaghahanap ng mga otoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa  economic crimes.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang subject na si Ahn Youngyong, 54 anyos.

Si Youngyong ay naharang sa NAIA terminal na aalis sana ng bansa sakay ng isang flight patungo sa   Shanghai, China.

Hindi kaagad pinayagan ng BI Personnel na makalipad si Youngyong ng matuklasan sa derogatory check system ng ahensya na wanted fugitive sa kanilang bansa.

Kaagad naman itong dinala sa BI detention facility sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon.