-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang drug personality na nahuli sa buy bust operation sa Barangay 30, Pigcale, Legazpi City matapos na magpositibo sa iligal na droga at makunan pa ng mga pekeng pera.

Kinilala ang nahuling suspek na si Reynante Dayto, 45, residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Dexter Panganiban ang tagapagsalita ng Albay PPO, matagal na umanong binabantayan ng mga otoridad ang galaw ng suspek na AWOL na miyembro ng BJMP at ika-10 sa drug watch list ng Legazpi PNP.

Narekober mula sa target ang isang sachet ng shabu at P1,000 na buy bust money habang nakuhanan pa ito ng mga pekeng pera.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act number 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illigal Posession of Counterfeit Treasury and Bank Notes.