-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Immigration ang matagumpay nilang pagkaka-aresto sa isang puganteng South Korean national sa Clark International Airport.

Ito ay pinaghahanap umano ng mga otoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong telecommunications fraud.

Sa ulat na inilabas ng Bureau of Immigration, kinilala ng border control and intelligence unit BI ang suspect na si Lee Seunggon, 35 anyos.

Naharang ri Lee sa Clark International Airport bagon siya makaalis sakay sana ng isang flight patungong Incheon.

Ayon sa border control and intelligence unit, hinarang nila ang lalaki matapos na matukoy na ang pangalan nito ay wanted sa kanilang bansa.

Kabilang din ang pangalan nito sa wanted list ng BI.

Nagsampa ng kasong deportasyon laban kay Lee ang BI noong Hunyo ng nakaraang taon dahil sa pagiging undesirable alien nito.