-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang isang lider ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Kalid Andalani Kalaing alyas Kumander Kalid,Sub-leader ng Dawlah Islamiyah Maguid Group at residente ng Barangay Molon Palimbang Sultan Kudarat.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na nakipag-ugnayan sa kanila ang Sultan Kudarat Police Provincial Office at PNP Intelligence Unit na dadaan sa probinsya ang notoryus na terorista.

Agad nagsagawa ng sorprisang checkpoint ang pulisya at militar sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.

Nang dumaan ang isang pickup na sinakyan ni Kalaing ay doon na ito inaresto.

Narekober sa posisyon ng suspek ang isang kalibre.45 na pistola,mga bala at magasin.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility sa Sultan Kudarat Police Provincial.