-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte tungkol sa isyu ng P2P Investment scam habang nanatili ang suspek sa kanilang kustodiya na si Angelica Joyce Nacino.

Ayon kay Lt. Col. Amador Quiocho, hepe ng PNP Laoag, naniniwala na maraming biktima ng scam ngunit hindi malaman kung bakit hindi sila magreklamo.

Sinabi ng hepe na may nasabi ni Nacino na pangalan ng tao na humahawak sa kanya at umano’y kababayan nito sa bayan ng Pasuquin.

Dahil dito, mahigpit na tinututukan ng pulisya ang sinabi ni Nacino kung totoo ang mga alegasyong ito.

Naniniwala naman si Quiocho na hindi lamang sa Ilocos Norte ang operasyon ng P2P Investment scam kundi mayroon pa sa ibang lugar at iba-iba ang mga pangalan ng investment.

Una rito, nagtuturuan ang mga nangangasiwa sa investment scam kung nasaan a milyong pera na ibinigay ng mga biktima.

Dagdag ng hepe na mayroon nang ilang mga biktima na pumunta sa PNP upang ireklamo si Nacino.