-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang wanted person na may kasong kidnap for ransom matapos na maaresto sa Tupi, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Major Andres Sumugat, hepe ng Tupi PNP, kinilala ang suspek na si Walter Ozaeta De Castro, 35, may asawa at residente ng Brgy. Taysan San Jose, Batangas.

Ayon kay Sumugat, naaresto ang suspek sa JC convention center sa Brgy. Poblacion, sa nasabing bayan na syang pagmamay-ari ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr.

Dito at napag-alaman na gumagamit ng pekeng pangalan ang suspek bilang isang Mike Macalindong.

Maliban dito, nabunyag din na ang suspek ang syang tumatayong STL coordinator sa muling pag-operate ng operasyon sa ilang lugar sa South Cotabato at Sultan Kuradat.

Sa ngayon sasampahan na ito ng patong-patong na kaso.