CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng mga otoridad ang isang kilabot na lider ng Armed Lawless Group sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Duma Anayatin alyas Kumander Duma ng MNLF Misuari faction na residente ng Barangay Damabalas Datu Piang Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na nagsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR),6th Infantry Battalion Philippine Army,Tactical Operations Group 12 at Datu Piang MPS laban sa suspek.
Hindi na nakapalag si Kumander Duma nang arestuhin ito ng mga otoridad sa kanyang tahanan.
Narekober sa suspek ang isang kalibre.45 na pistola, isang M16 Armalite rifle,mga bala at magazine.
Ang suspek ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Annabelle Piang ng Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City kung saan nahaharap ito sa kasong multiple murder at Frustrated Murder.
Sinabi ni CIDG-Maguindanao Field Commander Major Esmail Madin na may patong sa ulo na P1.3M si Ayanatin mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa ngayon ay nakapiit na si Kumander Duma sa costudial facility ng CIDG-BAR sa Cotabato City at nakatakdang i-presenta sa korte.