-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakakulong na ngayon sa Butuan City Police Station o BCPS- 3 ang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong rape.

Ito ay matapos nadakip sa may Ram City Homes, Libertad nitong lungsog ng Butuan.

Nakilala ang suspek na si Ferdinand Merongoy Mabunga, 41-anyos, may-asawa at residente sa P-18, Hidalgo Village, Brgy. Libertad, Butuan City.

Isinagawa ang operasyon sa BCPS-3 sa pangunguna ni PSSg Joey V Taneo dala ang Warrant of Arrest, na may Criminal Cases No. 2019-449-451 sa tatlong bilang ng rape na nilagdaan ni Presiding Judge Hon. Eduardo S. Casals ng RTC Branch 1, na may petsang Mayo 27, 2019 at walang nirekomendang piyansa.

Ang pagka-aresto sa suspek ay nagpapakita lamang na ang Butuan City Police Office, hindi tumitigil sa kanilang police efforts upang maseguro ang seguridad at kaligtasan ng publiko.