-- Advertisements --

CAUAYAN CITY –Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng San Mariano Police Station at Police Regional Office Cordillera CIDG ang isang security guard na number 1 most wanted person sa Bangued, Abra.

Ang suspek ay si Avelino Libuen Jr , 40 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Old San Mariano, San Mariano, Isabela

Siya ay dinakip ng mga otoridad sa barangay Sta. Filomena, San Mariano, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hukom Corpus Alzate Regional Trial Court Branch 2 Bangued, Abra sa kasong Murder.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Lt. Jessie Alonzo, ang Deputy Chief of Police ng San Mariano Police Station, sinabi niya na matapos matanggap ang kopya ng warrant of arrest ay tinutunton umano nila ang kinaroroonan ng akusado sa bayan ng San Mariano.

Aniya, taong 2004 pa nang lumabas ang warrant of arrest ng akusado na tubong Bangued, Abra at matapos malaman ang kinakaharap nitong kaso ay nagtago na siya bayan ng San Mariano hanggang sa siya ay makapangasawa rito.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamtalang paglaya ng nadakip akusado na dinala sa San Mariano Police Station para sa dokumentasyon at kalaunan ay ipinasakamay sa Police Rregional Office Cordillera para sa kaukulang disposisyon.