-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang wanted person sa probinsya ng Ilocos Norte matapos magtago ng tatlong dekada.

Ito ay sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Special Enforcement Team, Solsona MPS, Provincial Intelligence Unit, Tourist Police Unit, 101st Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 1, 144 Special Action Company ng 14 Special Action Battalion sa pamamagitan ng supervision ni Police Colonel Julius Suriben, Provincial Director.

Nakilala ang suspek na si Eleuterio Esposo Calleca, 87-anyos, byudo at residente ng Barangay 3, Santiago, Solsona.

Samantala, ang alias warrant of arrest ay inilabas ni Judge Felipe G. Pacquing ng Regional Trical Court, Branch 11 sa lungsod ng Laoag at may petsang July 1, 1988 dahil sa Illegal Recruitment.

Nairekomenda kay Calleca ang 60 libong piso para sa temporaryong paglaya.

Nanatili naman ang akusado sa kustodiya ng Philippine National Police-Solsona at inaasahang maipapasakamay sa korteng pinaggalingan ng alias warrant of arrest.