CAUAYAN CITY – Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Echague Police Station at Santo Domingo Police Station sa Nueva Ecija ang isang lalaki na Top 1 Most Wanted Person Municipal level sa Barangay Casulucan, Sto. Domingo, Nueva Ecija.
Ang inaresto ay si Alfredo Fabie, 45 anyos, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Echague Police Station at ng Santo Domingo Police Station sa Nueva Ecija ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela sa kasong arson.
Wala namang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamanatalang kalayaan ng suspek.
Dinala na sa Santo Domingo Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa Echague Police Station at sa court of origin.