-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang isang babae na may kasong trafficking sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Saida Sahipa Kalaing Panansaran, 42 anyos,may asawa at residente ng Barangay Bagua II, Cotabato City.

Ayon kay Police Regional Office-PRO-12 Regional Director Bregadier Alexander Tagum na naaresto si Panansaran ng mga pulis sa Brgy Poblacion Kabacan Cotabato.

Itoy sa bisa ng inisyung arrest warrant ng korte sa kasong Trafficking in Persons sa ilalim ng Section 4 ng RA 9208

Pinuri naman ni BGen Tagum ang pagsisikap ng Kabacan PNP na mahuli ang mga pinaghahanap ng batas. Aniya, patunay lamang ito na nagiging epektibo ang kanilang mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad.

Sa ngayon ay nakapiit ang suspek sa costudial facility ng Kabacan PNP at nakatakdang i-presenta sa korte.