-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naaresto ang pinaghahanap ng batas dahil sa paglabag ng Section 10(a) ‘Other Acts of Abuse’ sa Republic Act 7610 kasabay sa police operation sa may Purok 7, Barangay 23-Holy Redeemer, Butuan City.

Nakilala ang suspek na si Rolando Cagulangan Burdeos alyas “Allan Burdeos”, 29-anyos na residente ng nasabing lugar.

Base sa records ng BCPS2, ang suspek ay nanampal ng babaeng may deperensiya sa pag-iisip noong 2015.

Ngunit iginiit sa suspect na hindi siya naka-control pa sa kaniyang sarili lalo na’t ang biktima ang siyang unang umatake sa kaniya.

Ang kaso ay isinampa sa ama ng biktima na humantong sa pagpapalaba sa Warrant of Arrest ilalim sa criminal case number 2019-484 ni Hon. Judge Eduardo S. Casals, RTC, Branch 1, nitong lungsod noong Hunyo 14, 2019 na may 80,000 ang itinakdang piyansa.

Ayon kay Police Cpt. Romeo Sentinta Jr., station commander, ang suspect ay temporary ngayong nasa kustudiya ng BCPS2 at e-turned-over sa korte na nag-isyu para sa tamang disposisyon.