CENTRAL MINDANAO-`Patay on the spot ang isang wanted terrorists sa engkwentro ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Kopang Sahak alyas Kumander Tarzan, sub-leader ng Dawlah Islamiya’s Ansa’r Al-Khilafa Philippines.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Commander Major/General Juvymax Uy na namataan ng mga Intelligence Operatives ng Ist Mechanized Brigade si Sahak sa Barangay Dapiawan Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Nang sitahin ang suspek ng mga sundalo ay nanlaban ito at mga kasamahan niya kaya nagkabarilan.
Patay on the spot si Sahak nang magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.
Kinomperma ni MGen Uy na si Sahak ay may arrest order 216 mula sa Department of National Defense (DND) at sangkot sa 2017 Marawi City Siege.
Nakipag-alyansa si Sahak sa Maute Terror Group at Abu Sayyaf kung saan nagtago ito sa kuta ng BIFF sa Brgy Dapiawan Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng Joint Task Force Central ang mga kasamahan ni Sahak sa Maguindanao.