-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Nakumpiska ng 58th IB, Philippine Army ang mga kagamitang pangdigma ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasa ilalim ng Sub-Regional Committee 1 ng North Central Mindanao Regional Command sa ilang barangay ng Claveria,Misamis Oriental.

Ito ay matapos ibinulgar nang sumuko na NPA member ang ilang mahalagang impormasyon ng mga komunista dahilan na natunton ng tuluyan ng militar ang mga lugar na pinaglilibingan ng carbine rifle with magazine, 12 na AK 47 magazines,309 rounds ng mga bala ng AK47 at 12 rounds ng R4 rifle na mga bala.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Rodulfo Cordero Jr na ang pagkatunton ng mga kagamitan ng NPA ay patunay kung gaano na ka desperado ang kanilang mga miyembro na susunod nang sumuko pabalik sa gobyerno.

Inihayag ni Cordero ang pagka-rekober ng mga baril at mga bala ay mayroong malaki nang epekto sa undeground operation ng mga komunista.

Sa ngayon,isinama na ang NPA squad member na sumuko ng gobyerno sa mga una nitong mga kasamahan na nagbalik-loob na sa gobyerno na naka-house muna sa headquarters ng 58th IB,Philippine Army ng Claveria ng lalawigan.