Nadiskubri ng mga tauhan ng PNP ang lugar kung saan naka-imbak ang mga war materials ng CPP-NPA sa ikinasawang dalawang araw na police operation sa Central Luzon at Cagayan Valley.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, ang nasabing operasyon ay suporta sa kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon kay Sinas malaking kawalan sa Komunistang grupo ang pagkakasabat sa kanilang mga high-powered firearms at ilang mga mahahalagang mga dokumento.
Nagsagawa ng security operation “Mapika” ang mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion 3, 22nd Special Action Force, Gapan CPS, kasama ang 1st Sqd, Intel Platoon ng 84IB ng Philippine Army na nagresulta sa pagkakadiskubri ng dating kampo ng Communist Terrorist Groups at dito narekober ang mga armas, supply cache at mga subversive documents.
Kabilang sa mga narekober ay ang mga sumusunod:
One (1) 5.56 M16 rifle
Four (4) pcs 5.56 Cal Short Alloy Magazine
One (1) pc 5.56 Cal Short Plastic Magazine
Eighteen (18) 5.56 cal live ammunition
Three (3) pcs 40mm ammunition
One (1) rifle grenade
One (1) NPA Flag and
One (1) Bandolier
Sa ikinasang joint operation naman ng PNP at AFP-53rd Division Reconnaisance Company, PNP San Mariano, Isabela at 502nd BDE kasama ang dating rebelde na sumuko sa gobyerno natunton ng mga sundalo at pulis ang lugar kung saan naka tago ang mga armas at war materials ng CPP-NPA.
Narekober mula sa nasabing hideout ang isang cal.45 pistol na may magazine na may anim na live ammunition at isang vertex standard radio na walang anthena sa Sitio Lucban, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.
Habang ongoing ang documentation, sumuko sa mga government forces ang isang NPA member na si Wilmar Bayang alias Mar/Tukak, Melita ng Bayan member na nagturo sa isa pang armas cache ng CPP-NPA kung saan narekober ang 15 piraso ng blasting machine at remote control para sa Improvise Explosive Device (IED).