-- Advertisements --

Tiniyak ni newly installed PNP chief Gen. Debold Sinas na kaniya pang palalakasin ang kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay Sinas, kaniyang tututukan at mapapahusay pa ang ninanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan ng mapuksa ang paglaganap ng illegal drugs, corruption, terrorism, illegal gambling at iba pang mga criminalities.

Bubuhayin daw nito ang mga drug enforcement units ng sa gayon matutukan ang pagtugis sa mga high-value targets.

cpnpsinas1

Sinisiguro din nito na ang mga pulis na mapabilang sa anti-drug unit ay walang kuneksiyon at hindi sangkot sa anumang illegal drugs trade.

Target din ng liderato ni Sinas na paigtingin ang kampanya laban sa mga pasaway o rogue cops partikular ang mga tinaguriang ninja at narco cops at sisiguraduhin na mananagot ang mga ito sa batas.

Aniya, iisa-isahin nila ang paghuli at pagtukoy sa mga natitirang ninja cops kasama na ang mga narco cops.

Nais din daw nito na mapagaling pa ang kakayahan ng bawat pulis lalo na ang mga nasa anti-drug unit na magkaroon ng tamang kaalaman, skills sa pamamagitan ng training at sapat na equipment para maiwasan na magkaroon ng casualty sa kasagsagan ng operasyon.

Binigyang-diin rin ni Sinas ang no take policy lalo na ang mga iligal na pondo na mula sa illegal drugs, drug lords, gambling lords, at iba pang illegal sources ng pondo.

Mahigpit rin nito ipinagbabawal ang paglaro ng golf ng mga opisyal within office hours at pagtungo sa casino ng mga police personnel.

Sinumang miyembro ng PNP masasangkot sa corrupt practices ay agad iimbestigahan at kung mapatunayang guilty sisibakin agad sa serbisyo.

Ipinaalala ni Sinas sa mga pulis ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas na gawin ang kanilang trabaho batay sa kanilang mandato.