Patuloy na paglaban sa war on drugs sa mas mapayapang pamamaraan ang panawagan ni Labor leader at presidential aspirant Leody de Guzman.
Sa kanyang Facebook live, ay sinabi nitong dapat na magpatuloy ang laban sa war on drugs pero hindi sa paraan ng pagpatay o kaya ay ituring na mga kriminal ang mga indibidwal na sangkot dito, bagkus ay dapat aniya itong itrato bilang isang “health problem”.
Hindi aniya siya sang-ayon sa isang marahas na pakikipaglaban kontra droga dahil hindi raw ito mareresolba ng pagpatay.
Sa kabila kasi aniya ng mga buhay na nasawi dahil sa war on drugs ay nagpapatuloy pa rin ang paglaganap ng talamak na bentahan at paggamit ng droga sa bansa.
Ayon pa kay De Guzman ay isang paglabag aniya sa 1987 Constitutin ang awtoridad ng Anti-Terrorism Council na ikulong ang mga terror suspect nang hanggang 24 na araw nang walang judicial warrant of arrest.
Kinwestiyon din niya kung saan ginagastos ang intelligence fund at kung nasaan anioya ang mga pinag-aralan ng mga kinuukulan hinggil sa pagkuha ng tamang impormasyon bago mang-aresto ang mga ito.
Samantala, nanindigan naman ang presidential aspirant na dapat pa rin na tutulan at ipaglaban ng mamamayan na mawala na ang anti-terror law.