-- Advertisements --
image 221

Lumagda ang European leaders at miyembro ng Group of 7 (G7) sa idinaraos na Council of Europe Summit sa Iceland para sa paglikha ng “war damage” upang pagbayarin ang Russia sa pinsalang idinulot ng giyera nito sa Ukraine.

Kabilang ang 49 bansa ang lumagda kabilang ang United states, Japan at lahat ng mga bansang kasapi sa G7.

Dito itatala ang mga claim sa danyos o nawala sa kasagsagan ng giyera sa Ukraine na magbibigay daan sa mekanismo sa hinaharap na kompensasyon sa mga biktima ng giyera.

Inaasahan na susuportahan din ng mga bansa na hindi kasapit sa Council of Europe ang naturang inisyatibo.

Pinuri naman ni Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal kasabay ng isinasagawang summit ang naturang inisyatibo bilang isang mahalagang milestone tungo sa pagkamit ng hustisya at pagbabayad ng danyos para sa Ukraine at sa mga mamamayang Ukrainians na lubos na nagdusa sa nagpapatuloy na giyera.