-- Advertisements --

Nagpahayag na rin ng pag-kondena ang war veterans ng bansa laban sa barbaric, mapang-alipusta at provicative na aksiyon ng China sa komprontasyon sa pagitan ng mga tauhan ng China Coast Guard at tropang Pilipino sa kasagsagan ng resupply mission sa outpost ng bansa na BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal sa West Philippine Sea noong Hunyo 17 na nagresulta sa pagkasugat ng ilan sa mga tauhan ng PH Navy at naputulan ng daliri ang sa sa kanila.

Nagpahayag din ng suporta ang Veterans’ Federation of the Philippines para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggiit ng mga karapatan ng PH sa West Philippine Sea na pasok sa 370 km exclusive economic zone ng ating bansa.

Umapela din ang war veterans sa international community para kondenahin ang mga agresibong aksiyon ng China sa ngalan ng sangkatauhan, pagrespeto sa international law at rules-based international order.

Nagpahayag din ang mga ito ng suporta para sa Department of National Defense at sa strategic transformation agenda ng militar para bumuo ng mabigat deterrent posture sa pamamagitan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept.

Binigyang pugay din ng war veterans ang mga defender ng WPS na tinawag nilang mga makabagong bayani.

Hinimok din ng war veterans ang lahat ng Pilipino na magkaisa sa pagsuporta sa mga naglalagay sa kanilang buhay sa peligro para depensahan ang ating karapatan, depensahan kung ano ang atin at protektahan ang ating kinabukasan.

Top