-- Advertisements --

Kasalukuyang maluwag pa ang mga warehouses ng National Food Authority (NFA) sa bahagi ng Metro Manila at handa pa tumanggap ng karagdagang buffer stock mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa bansa.

Ayon sa warehouse master ng NFA na si Rodolfo Rubinas, kasalukuyang nasa 70,000 bags na ang nakaimbak sa warehouse na ito sa bahagi ng Valenzuela City.

Kaya din aniya na tumanggap pa ng panibagong 70,000 hanggang 80,000 bags ang warehouse habang tuloy-tuloy din aniya ang pagbili ng mga mas fresh na ani mula sa mga lokal na magsasaka sa bansa.

Katunayan ay mahigit 5,000 na 50 kilograms na bigas ang dumating ngayon sa warehouse bilang karagdagang buffer stock.

Paliwanag naman ni Rubinas, layon ng NFA na mairealease at maibenta sa mga ahensya gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga bigas na nakaimbak na ng mahigit tatlong buwan.

Hindi naman agad nasisisra ang kalidad ng mga NFA rice na ito dahil tumatagal aniya ang shelf life nito ng hanggang qanim na buwan.

Ngunit ani Rubinas, hanggat maaga ay mas pinipili na maibenta ang mga ito na ang kalidad ay nasa newly well-milled rice din at 25% broken.

Sa ngayon ay patuloy namang naghihintay ang NFA sa magiging anunsyo tungkol sa food security emergency for rice ngayong linggo para sa release ng buffer stock sa mga punong warehouses ng pamunuan.

Tiniyak naman ni NFA Administrator Larry Lacson na agad kikilos ang kanilang ahensya para sa pagrelease ng halos kalahati ng buffer stock nila sa ngayon kung agad na maideklara ang food emergency para sa bigas.