Naging matagumpay ang serye ng warfare simulation na ginawa ng Philippine Fleet gamit ang mga barko nito.
Ayon kay PF Spokesperson Lt. Giovannie Badidles, sinubukan ng Philippine Fleet ang kapabilidad ng mga capital ship ng Pilipinas sa pamamagitan ng war simulation at natukoy ang maayos na kundisyon ng mga ito.
Ang mga capital ship ay mga barko ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine Navy na pinaka-moderno na ginagamitan ng mga makabagong kapabilidad at teknolohiya.
Kinabibilangan ito ng mga frigate na BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151), kasama ang mga patrol ship BRP Ramon Alcaraz (PS-16), at BRP Andres Bonifacio (PS-17), atbp ang mga barkong ginagamit ng navy,
Isinagawa ang simulation sa Mindoro Strait at sa katubigang sakop ng Zambales na direktang nakaharap sa West Philippine Sea.
Ayon kay Badidles, sinunod ng Philippine Fleet ang mga anti-warfare drill, tulad ng simulated missile firing, pagdepensa sa mga barko laban sa missile attack, anti-submarine carfare, tracking, atbpa.
Ang mga ito ay pawang serye ng drill na sadyang ginawa upang mapalakas ang kakayahan at ang pagtugon ng Philippine Fleet sa anumang maaaring mangyari.
Ayon pa kay Lt. Badidles, ang naturang simulation ay mahalaga para matiyak na ang fleet at ang Philippine Navy ay mananatiling capable at handa sa anumang operasyon.