Inalis na ang ibang babala ukol sa bagyong Karding dahil sa paglayo at paghina ng epekto nito.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 230 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 160 kph.
Signal number 1:
Central at western portions ng Pangasinan (Santa Barbara, Bayambang, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, San Carlos City, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Infanta, Malasiqui, Alcala, Bautista), Zambales, western portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban), at northwestern portion ng Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca)