-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang warrant at subpoena server ng Regional Trial Court branch 15 sa Ozamiz City.

Ito ay matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation ng Ozamiz PNP si Rolando Ruiz, 52, residente sa Brgy. Aguada ng nasabing lungsod.

Nakuha sa pag-iingat ni Ruiz ang 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso, P1,000 na buy bust money, drug paraphernalia, cellphone at ang ID nito kung saan siya nagtatrabaho.

Matagal na umanong minamanmanan ng mga pulis ang suspek matapos itong itinuro ng kanyang kasama na una ng nahuli dahil bagsakan daw ito ng droga sa Ozamiz.

Mariin namang itinanggi ni Ruiz ang pagkakadawit sa bentahan ng droga.