CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang board of directors ng kompaniyang Verde Soko Philippines Incorporated.
Ito ang naging kumpirmasyon ni Mindanao Container Terminal (MCT) collector John Simon sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Simon, lumabas na ang warrant of arrest may kaugnayan sa kasong paglabag sa Section 13 sa Toxic and Hazardous Waste Act o Republic Act 6969 na kinahaharap nila Verde Soko President Neil Alburo, Deolita Sabellosa at Marcelo Ouano Jr.
Mismong si Regional Trial Court Branch 39 Judge Marites Filomena Rana Bernales ang nag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga akusado.
Napag-alaman na ang Verde Soko ang siyang consignee ng 6,000 metric tons ng basura na ipinadala sa bansa mula sa South Korea noong nakaraang taon.