-- Advertisements --
Posibleng maharap sa warrantless arrest ang mga opisyal ng KAPA kapag patuloy ang pagkolekta at pag-solicit nila ng pera sa kanilang mga miyembro.
Ito ang naging banta ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa mga opisyal ng KAPA Ministry na sangkot sa umano’y multi-billion pisong investment scam.
Depensa ni Guevarra, maitururing kasi na continuing crime ang patuloy na pagkubra ng mga donasyon sa miyembro ng KAPA.
Sa ngayon, may kaso nang isinampa ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa KAPA officials sa Deapartment of Justice (DoJ) pero wala pang warrant of arrest.
May precautionary hold departure order (PHDO) na rin laban sa KAPA officials upang mapigilan na makalabas ng bansa at ma-monitor ang mga opisyal ng KAPA na kinasuhan.