-- Advertisements --
Naglabas ng resolution ang Commission on Elections (COMELEC) na papayagan ang mga otoridad na arestuhin ang mga vote buyers at sellers kahit walang warrant of arrest.
Ayon sa COMELEC, layon ng Resolution 11104 ay para mapalawig ang kakayahan ng Committee on Kontra-Bigay ng Comelec na siyang nagmomonitro ng mga vote buying at selling ngayong halalan.
Nakasaad dito na maaring hulihin ng mga otoridad ang sinumang maaktuhan nilang nagtatangka ng paglabag sa itinakdang panuntunan ng COMELEC.
Ang mga maaresto ay dadalhin sa mga pinakamalapit na police station habang ang mga materyales o ebidensya na makukuha ay ipapasakamay sa COMELEC.