-- Advertisements --

Muling nagtala ng panalo ang Golden State Warriors sa preseason matapos nitong patumbahin ang karibal na Sacramento Kings, 109 – 106.

Naging episyente ang Warriors sa kabuuan ng laro gamit ang 48.5 shooting percentage at ipinasok ang 32 shots mula sa 99 attempts.

Hawak din ng Warriors ang free throw line at nagpasok ng kabuuang 32 shots mula sa 37 attempts. Tanging 21 points lamang ang naging kasagutan ng Kings.

Sa kabila nito, labis namang pinahirapan ng Kings ang Golden State matapos itong gumawa ng 16 steals na. Dahil dito ay umabot sa 23 ang turnover na nagawa ng Warriors sa kabuuan ng laban.

Nanguna sa panalo ng Warriors ang forward na si Moses Moody na kumamada ng 23 points habang 19 points, 7 rebounds naman ang kontribusyon ng kapwa forward na si Jonathan Kuminga.

Binuhat naman ni De’Aaron Fox ang Kings na nagbulsa ng 19 points at pitong rebounds.

Sa kasalukuyan, wala pang talo ang Warriors sa loob ng tatlong preseason game habang nananatiling winless naman ang Sacramento.