-- Advertisements --

Abanse na sa 10 – 2 ang Golden State Warriors matapos talunin ang Memphis Grizzlies ngayong araw (Nov. 16), 123 – 118.

Ito ay sa kabila ng mababang scoring ng mga lahat ng mga Warriors player. Wala kasi sa mga ito ang nakakuha ng 20 points o mas higit pa, at tanging 18 points ang pinakamataas na individual points sa pamamagitan ni Buddy Hield.

Ang NBA superstar na si Stephen Curry ay nalimitahan lamang sa 13 points at walong rebounds.

Naging bentahe ng Warriors ang pagtutulungan ng 12 player ng koponan kung saan lahat ng mga ito ay nag-ambag ng kani-kanilang shots.

Sa Grizzlies, hindi naman naisalba ni Jaren Jackson Jr. ang kaniyang team sa kabila ng 32 points.

Dahil sa pagkatalo, lalo pang nabaon sa 6 loss ang Grizzlies.