-- Advertisements --

Ayaw pa ring paawat ang top team ngayon sa NBA na Golden State Warriors sa pagwalis sa mga nakakaharap na karibal na teams.

Pinakabagong nabiktima ng Warriors ang powerhouse team na Los Angeles Clippers sa iskor na 105-90.

Muling nanguna sa opensa ng Warriors ang two-time MVP na si Stephen Curry na kumamada ng 33 points at season high na anim na steals, five rebounds at six assists sa kanyang all-around game.

Sa ngayon hawak na ng Warriors ang best record na 18 wins at dalawa pa lamang ang talo.

Sa kampo naman ng Clippers, nalasap nila ang ika-siyam na talo habang napako sila sa 11 panalo.

Nasayang tuloy ang diskarte ni Paul George na tumipon ng 30 points.