-- Advertisements --

Papakawalan na rin umano ng Golden State Warriors si veteran point guard Shaun Livingston.

Pero batay sa ulat, wala pa umanong balak si Livingston na magretiro dahil may intensyon pa raw itong maglaro ng isa pang season.

Ang dating fourth overall selection noong 2004 NBA Draft ng Los Angeles Clippers ay iginugol ang huli nitong limang season sa Warriors.

Nakatakda sanang makakuha ng $7.7-milyon nitong 2019-20 ngunit $2-milyon lamang ang garantiya rito.

Naglista ng average na 4.0 points at 1.8 assists si Livingston sa 64 games nitong nakaraang season.