-- Advertisements --
Nagpaabot nang pagbati ang Golden State Warriors sa kanilang pinakasikat ngayon na fan si Vice President-elect Kamala Harris.
Si Harris na nagsimulang maging senador ng California noong 2017 ay lumaki sa Oakland at kilalang Warriors fan.
Nagbigay pugay ang franchise sa isang mensahe sa “Oakland Forever” jersey mula kay Stephen Curry.
Isinulat ni Curry ang salitang: “To Kamala. Bay Area> D.C. Congrats” at may autograph ito at ang No.30.
Noong buwan pa lamang ng Agosto inindorso na ng three-time NBA champion at kanyang misis si Kamala sa ginanap na party convention.