Bumagsak na sa below .500 ang Golden State Wariors matapos itong pabagsakin ng Toronto Raptors, 104 – 102.
Ito ang unang pagkakataon ngayong season na magtala ang Warriors ng mas maraming pagkatalo kaysa panalo: 19 win at 20 loss.
Hindi naisalba ni 4-time NBA champion Stephen Curry ang kaniyang team sa kabila ng kaniyang 26 points, 7 rebounds, at 7 assists.
Hindi napigilan ng Warriors ang comeback win ng Raptors, sa pangunguna ni Scottie Barnes na nagpasok ng 23 points at umagaw ng walong rebounds sa kabuuan ng laro.
Sa pagtatapos kasi ng 3rd quarter ay hawak pa ng GS ang tatlong puntos na kalamangan ngunit hinabol ito ng Raptors at nagpasok ng 29 points sa kabuuan ng laro habang 23 lamang ang nagawa ng Warriors.
Bagaman dinumina ng Warriors ang 3-point shot at nagpasok ng 16 3-pointer, binantayan ng Raptors ang paint area at kumamada rito ng 50 points kumpara sa 26 lamang na naiganti ng Warriors.
Hindi rin naisalba ng 11 steals ang Warriors sa kabila ng tatlong naiganti lamang ng Raptors. Nagawa kasi ng Raptors na magpasok ng mas maraming shots gamit ang 47.7% kumpara sa 39.8% lamang ng Warriors – kabuuang 41 shots ang naipasok ng Raptors habang 35 lamang ang naiganti ng GSW.
Ang panalo ng Raptors ay ang ika-siyam na panalo ng koponan ngayong season mula sa kabuuang 40 games na nilaro nito.