-- Advertisements --
DRAYMOND GREEN
D Green/ IG post

Ikinatuwa ng maraming fans ng Golden State Warriors ang muling pagpirma ni Draymod Green sa koponan.

Sinabi ni Warriors President of Basketball Operations/ General Manager Bob Myers, na isang magandang pagkakataon ang muling pagkakakuha nila kay Green sa pamamagitan ng multi-year contract extension.

Naging 35th overall pick sa second round ng 2012 NBA Draft si Green.
Itinuturing kasi ni Myers na malaking tulong si Green sa kanilang koponan na siya ang nagdala para sila ay makapasok ng limang beses sa NBA Finals.

Gumagawa ang 29-anyos na si Green ng 9.1 points, 6.9 rebounds, 4.9 assists, 1.37 steals, 1.08 blocks sa bawat laro.

Ang 6’7″ forward ay naging All-Defensive Team sa nakaraang limang season at kauna-unahang manlalaro sa franchise history para makakuha ng karangalan sa five-straight campaign, naging NBA Defensive Player of the Year 2016-17 at Three-time NBA All-Star.