-- Advertisements --
Mas pinili pa ni Golden State Warriors forward Kevin Durant na maging unrestricted NBA free agent.
Ito ay matapos na hindi niya tinanggap ang $31.5 million na option para manatili sa Warriors.
Inaasahan kasi ang maraming mga alok kay Durant sa pagbubukas ng NBA free agency sa darating na linggo.
Ang 2017 at 2018 Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP ay nagtamo ng right Achilles tendon sa NBA Finals.
Ilan sa mga malalaking pangalan na inaasahan sa top free agents ay sina Warriors guard Klay Thompson, Kyrie Irving ng Boston Celtics at Kawhi Leonard ng Toronto Raptors.