-- Advertisements --
Walang magiging problema sa Golden State Warriors kung sinuman ang makakaharap nila sa NBA Finals matapos na ma-sweep nila ang Portland Trailblazers 4-0 sa Western Conference Finals.
Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, na bagamat makakapagpahinga sila ng matagal ay kanilang papanoorin ang laro sa pagitan ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks kung saan target ng Raptors na maitabla sa 2-2 ang serye nila sa Eastern Finals.
May mga diskarte rin si Kerr na ipapatupad sa bawat koponan na kanilang makakaharap.
Malaki rin ang tiwala niya na makakapaglaro ang ilang manlalaro niya na may injury gaya nina Kevin Durant, Andre Iguodala at DeMarcus Cousins.