Mananatili pa rin sa Golden State Warriors si 3-time NBA champion Kevon Looney matapos magdesisyon ang Warriors na sagutin ang $8 million contract ng beteranong sentro.
Ngayong season na sana ang huling bahagi ng kanyang tatlong taon na $22.5 million contract ngunit bago pa man ang free agency ay kinumpirma na ng Warriors ang extension ng bigman.
Ibig sabihin, mananatili ito sa koponan hanggang sa 2024-2025 season.
Si Looney ay na-draft ng Warriors noong 2015 at mula noon ay nanatili na siya sa Warriors.
Isa siya sa mga naging sandalan ng depensa ng Warriors noong 2022 championship run nito, kung saan ay nagawa niyang kumamada ng 7.5 rebounds per game, 5.0 points per game, at 2.7 assists per game.
Isa siya sa mga tinaguriang iron man ng GS dahil sa kanyang tuloy-tuloy at sunod-sunod na paglaro sa lahat ng scheduled games ng koponan at nagawa niyang maglaro ng walang palya sa loob ng 290 consecutive games.
Gayonpaman, tuluyan din itong natigil nitong nakalipas na taon matapos limitahan ni Warriors head coach Steve Kerr ang kanyang playing time.
Kung hindi magiging bahagi ng trade deal si Looney at mananatili ang paglalaro nito sa Warriors, ang susunod na regular season ang magmamarka sa unang dekada niya sa koponan, kasama ang big three na sina Stephen Curry, Klay Thompson, at defensive specialist Draymond Green.