-- Advertisements --

Nakabangon na rin mula sa pagkatalo ang Golden State Warriors, Boston Celtics at Los Angeles Lakers sa magkakahiwalay na laro nitong araw.

Tinambakan ng defending champion Warriors ang New Orleans Pelicans, 128-120.

Madaling nahabol ng Warriors ang 15 points deficit sa first half nang umeksena na sina Klay Thompson na may 31 points, Stephen Curry na kumamada ng 28, habang si Kevin Durant ay nagbuslo ng 22 points at career high na seven blocked shots.

Bumawi ang Warriors nang pahiyain sila ng Houston sa NBA opener.

Sa ibang laro, nagpakitang gilas naman si Lonzo Ball sa halos triple double performance nang bitbitin ang Los Angeles Lakers sa panalo laban sa Phoenix Suns, 132-130.

Nagtala si Ball ng 29 points, 11 rebound at 9 assists.

Para naman sa Suns ito na ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo.

Samantala hindi rin nagpahuli ang Celtics nang idispatsa nila ang Philadelphia Sixers, 102-92.

Humanay na rin sa winning column ang Celtics kung saan nanguna si Kyrie Irving na nagtapos sa 21 points at six rebounds.

Bago ito, una nang minalas ang Celtics sa una nilang dalawang laro.